TFC News

OFWs sa Bahrain nabigyan ng libreng health check-up ng PH Embassy

Jerome Fadriquela | TFC News

Posted at Aug 14 2022 06:15 PM | Updated as of Aug 14 2022 08:13 PM

MANAMA - May 500 Pilipino ang nabigyan ng libreng health check-up ng Philippine Embassy sa pakikipagtulungan sa Al Hilal Medical Center–Manama noong August 5.

‘Alas-sais pa lang ng umaga pumila na ang mga Pinoy para sa libreng blood testing, kidney screening, liver screening, total cholesterol count at iba pang medical test.’

Bahrain health check
PE Manama photo
Matapos makuha ang kanilang blood test results ay maari nilang ma-avail ang libreng consultation na maaaring magamit sa loob ng sampung araw.

Nagbigay naman ang The Al Hilal Medical Center sa Manama ng special discount card sa mga Pinoy na sumali sa “Free Medical Camp.” 

Manama health professionals
PE Manama photo

Ayon kay Charge d’Affaires Anne Jalando-on Louis ang nasabing libreng health check-up ay bahagi ng proyekto ng embahada na itaguyod ang health and wellness sa Filipino community sa Bahrain.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.