Isang malaking isda na kung tawagin ay Giant Trevally at may local name na lalo o mamsa o langugan ang nahuli kamakailan sa Eastern Samar. Courtesy of Jhayboy Macawile Quiminales
Isang malaking Giant Trevally, na may bigat na 30 kilos, ang nahuli kamakailan sa Eastern Samar.
Ibinahagi ni Jhayboy Macawile Quiminales ang mga larawan at video niya nang makahuli siya ng nasabing isda na may local name na lalo o mamsa o langugan.
Nahuli niya ito sa karagatan na sakop ng Guiuan.
Ayon kay Quiminales, libangan na niya ang panghuhuli ng isda gamit ang "kawil" o sa paraang pamimingwit.
Aniya, ikinatuwa niya ang pagkahuli sa Giant Trevally dahil bihira lamang ito mangyari.
Kwento niya, tatlong beses na siyang nakahuli ng nasabing isda na kaniyang ipinang-ulam.
Sabi ni Quiminales, ibinahagi niya ang mga larawan ng kaniyang huling isda para maipakita na sagana pa ang kanilang lugar sa yamang dagat. Aniya, kung mapapanatili ang pag-alaga sa karagatan, maaari pang makinabang rito ang susunod na mga henerasyon.
- Ulat ni Ranulfo Docdocan
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.