PatrolPH

Ilang kalsada, bahay sa Aurora, Isabela binaha

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2022 12:03 PM | Updated as of Aug 14 2022 02:12 PM

Watch more News on iWantTFC

Video mula kay Arnel Burgos

(UPDATE) Binaha ngayong umaga ng Linggo ang ilang lugar sa bayan ng Aurora, Isabela bunsod ng malakas na ulan noong nagdaang magdamag.

Ayon sa municipal disaster office ng Aurora, nagkaroon din ng pag-apaw sa irrigational canal matapos itong masira dahil sa ulan.

Abot hanggang tuhod at baywang ang baha sa mga kalsada sa bayan, base sa video na kuha ni Roman Tamuyao Jr. bandang alas-5:45 ng madaling araw.

Pahirapan din sa pagtawid ang ilang sasakyan.

Itinulak pa ng mga lalaki ang isang coaster bus matapos tumirik habang sinusuong ang baha sa may sentro ng bayan.

"Kapag kotse at mga van alanganin po. ‘Yung mga pickup [truck], makadaan," ani Tamuyao.

Isinakay pa sa payloader ang mga stranded na pasahero para makatawid ng baha.

Bandang tanghali ng Linggo, bahagya pa lang ang ibinaba ng tubig sa may national highway na sakop ng Barangay San Pedro-San Pablo.

Baha rin sa ilang bahay, establisimyento at harap ng municipal building.

— Ulat ni Harris Julio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.