PatrolPH

Bus nahulog sa bangin sa Bukidnon

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2022 12:18 AM

Kuha ni John Michael Ganzan
Kuha ni John Michael Ganzan

Sugatan ang mga pasahero sa isang bus matapos itong mahulog sa bangin sa Sitio Mangima, Barangay Tankulan, Manolo Fortich, Bukidnon, Sabado ng gabi.

Hindi bababa sa 30 pasahero ang sakay ng bus na galing Cagayan de Oro at papuntang Davao City. 

Agad rumesponde ang pulisya at rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction Office at dinala sa Bukidnon Provincial Hospital ang mga nasugatan. Wala namang naiulat na nasawi sa aksidente.

Isang pasahero ng bus na si John Michael Narvasa Ganzan ang nag-live Facebook video kung saan humihingi sila ng tulong para ma-rescue.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Roads and Traffic Administration ng lungsod, posibleng nawalan ng brake ang bus. Madulas din ang daan dahil umuulan nang mangyari ang insidente. - ulat ni Rod Bolivar

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.