PatrolPH

6 sugatan sa pagsalpok ng dump truck sa bahay, tricycle sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2021 03:22 PM

Anim ang sugatan matapos bumangga sa bahay at mga nakaparadang tricycle ang isang dump truck sa Antipolo City.
Anim ang sugatan matapos bumangga sa bahay at mga nakaparadang tricycle ang isang dump truck sa Antipolo City. Lou Virtucio, ABS-CBN News

Anim ang sugatan matapos bumangga sa bahay at mga nakaparadang tricycle ang isang dump truck sa Provincial Road, Sitio Tagbac, Barangay San Jose, Antipolo City bandang alas-7:30 umaga ng Sabado. 

Ayon kay Reynante Villamor, tanod sa lugar na nakasaksi sa aksidente, nagawa pa niyang sigawan ang driver ng truck na masyadong matulin ang takbo bago tuluyang bumangga.

Ayon naman sa driver, nawalan siya ng preno kaya ibinangga na lang niya ang truck sa gilid, kaysa magdire-diretso pa umano sa bangin.

Ayon sa Antipolo City DRRMO, sugatan ang 5 bystander at 1 nakatira sa napuruhang bahay na agad namang isinugod sa Rizal Provincial Hospital. 

Pasado alas-12 ng tanghali naalis ang truck sa pinangyarihan ng aksidente. 

KAUGNAY NA BALITA: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.