Mga miyembro umano ng religious cult ang magkakasabwat
Ilang mga preso ng Davao Oriental provincial jail sa Mati City ang tumakas Sabado sa tulong umano ng 25 indibidwal na miyembro ng isang kulto. Handout
Pitong inmates ng Davao Oriental provincial jail sa Mati City ang tumakas Sabado ng hapon sa tulong umano ng 25 indibidwal na miyembro ng isang kulto.
Ayon sa Mati City PNP, nilusob ng mga miyembro ng Pinatikan Religious Cult ang provincial jail, kung saan isa sa miyembro ang napatay ng mga jail guard.
Dagdag ng pulisya, pwersahan umanong pinasok ng mga armadong miyembro ng kulto ang correctional facility para sagipin ang umano'y lider ng kulto na kinilalang si Cornelio Galon III.
Nabigla umano ang mga guwardiya, kaya na-rescue ng mga miyembro ng kulto si Galon at iba pang inmates na kinilala na sina Dominador Lintuan, Laudeco Lintuan, Sugaan Gil, Arjowe Lintuan, Ranjay Baluro, at Inabitan Ismadi.
Tinutukoy pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng namatay na miyembro ng sumalakay sa grupo.
Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya at militar sa 7 tumakas.
V- Ulat ni Hernel Tocmo
MULA SA ARKIBO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.