Sanggol na iniwan sa damuhan, nasagip

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 06:28 PM

Nasa maayos na kalagayan na ang bagong silang na sanggol na babae na iniwan sa damuhan sa bayan ng Peñablanca sa Cagayan. Larawan mula kay Paul Furigay

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa damuhan sa Barangay Alimanao, Peñablanca sa Cagayan sa kasagsagan ng pag-ulan, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa larawang ibinahagi ni Paul Furigay sa Facebook, makikita ang babaeng sanggol na walang saplot na nakadapa sa damuhan.

Natagpuan siya ng mga residente pasado alas-4 ng madaling araw.

Dinala ang sanggol sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City para masuri at mabigyan ng paunang lunas.

Ayon kay Furigay, nasa maayos na kondisyon na ang sanggol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.