Pulis patay nang magulungan ng truck sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 02:23 PM

Napatay nitong umaga ng Miyerkoles ang isang pulis matapos magulungan ng isang cargo truck sa Makati City.

Kinilala sa ulat ng Makati police ang nasawi bilang si Patrolman Francis Ecalner, 25 anyos at nakatalaga sa Makati City Police Community Precinct 4.

Binabaybay ni Ecalner ang northbound lane ng South Superhighway lulan ng motorsiklo nang pumailalim siya sa cargo truck, ayon sa ulat.

Dinala sa ospital si Ecalner pero idineklara ring dead on arrival.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang 24-anyos na driver ng truck. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.