Ex-convict patay matapos pagbabarilin sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 01:42 AM

Patay ang isang ex-convict matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga lalaki sa Bacolod City nitong Martes.

Ayon sa pulisya, papauwi na sana si Jomar Parofil, 37-anyos, nang sundan siya ng 6 na lalaki. Tinangka ng mga kalalakihan dakpin umano si Parofil pero nang pumalag ito, agad itong pinagbabaril.

Limang tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan at ulo ang ikinamatay ng biktima.

Droga ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pagpatay kay Parofil. Ayon sa pulisya, dati nang nakulong ang biktima dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong 2015.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan. - Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.