Bahagi ng Boracay na 'dinumihan' isinara

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 03:12 PM | Updated as of Aug 14 2019 08:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isinara muna nitong Miyerkoles sa publiko ang bahagi ng Boracay kung saan dumumi ang isang batang foreigner.

Aabutin ng 48 hanggang 72 oras ang pagsara para linisin ang katubigan, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Nag-viral kamakailan sa social media ang video ng pag-alalay ng isang babaeng foreigner sa kaniyang anak na dumudumi sa baybayin ng Station 1 sa Boracay.

Sa dagat din umano hinugasan ng lola ang underwear ng bata, na puno umano ng kaniyang dumi.

Pinaghahanap na rin ng mga awtoridad ang mga banyaga, na kakasuhan ng mga paglabag sa mga ordinansa sa Aklan.

Maaalalang anim na buwang isinailalim sa malawakang clean-up drive ang Boracay kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

-- May ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.