Abandonadong gusali sa QC, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 05:21 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuha ni Rose Marie Gongora

MAYNILA—Nasunog ang isang abandonadong gusali sa West Ave., Barangay Bungad, Quezon City Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon kay fire inspector Melecio Hidalgo ng Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali bago mag-alas-2 ng madaling-araw.

Agad iniakyat sa ikalawang alarma ang insidente at naapula makalipas ang halos 15 minuto.

Ayon sa mga nagbabantay sa gusali, ide-demolish na sana ang gusali at palaisipan sa kanila kung ano ang posibleng pinagmulan ng apoy. Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.