6 na sasakyan nagkarambola sa SLEX; 1 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 01:11 AM

Nagkarambola ang 6 na sasakyan sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa may Sucat exit Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa mga opisyal ng SLEX, okupado ng mga naaksidenteng sasakyan ang tatlong linya ng southbound lane ng SLEX kaya mabagal bumagal ang trapiko.

Ayon sa isang motorista na si Emz Paet, kinabibilangan ng dalawang trailer truck, isang closed van, isang ten wheeler, at dalawang maliliit na sasakyan ang naaksidente. 

Dagdag ni Paet, dinala sa pagamutan ang driver ng closed van matapos maipit sa loob ng sasakyan.

Ongoing ang clearing operation para madaanan na ang SLEX. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.