3 sasakyan natabunan sa pagguho ng lupa sa Benguet

Maira Wallis, ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 04:40 PM

Tatlong sasakyan ang natabunan ng lupa matapos na gumuho ang bahagi ng bundok sa La Trinidad, Benguet.

Gumuho ang bahagi ng bundok sa Paltingan, Ambiong, La Trinidad, Benguet, Huwebes ng madaling araw.

Natabunan ng lupa ang paradahan ng isang residente. Tatlong sasakyan nito ang natabunan ng lupa at nasira.

Naitawag na sa awtoridad ang insidente pero wala pang dumarating na mga gamit para sa clearing operations.

Nagtulung-tulong muna ang mga residente para maghukay.

Natamaan din ng pagguho ng lupa ang bakod ng isa pang residente.

Dahil sa pagguho ng lupa, hindi na madaanan ang kalsada sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.