1,000 kilo ng maruming laman-loob ng baboy, timbog sa Tondo

Katrina Domingo, ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 12:13 PM | Updated as of Aug 14 2019 07:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Halos 1,000 kilo ng laman-loob ng baboy ang nakumpiska mula sa 2 lalaki sa Tondo, Miyerkoles, matapos mapag-alaman ng mga awtoridad na hinuhugasan ito sa ilog ng Pasig.

Nakalagay ang mga laman-loob sa mga drum at ginagawang pambalot sa longganisa sa ilalim ng Capulong bridge, sabi ni Ronaldo Bracero, kawani ng Manila Department of Public Service na nakahuli sa mga lalaki.

“Nakakadiri nga po. Mabaho,” sabi ni Bracero.

“May tae, may durog na lata, may burak. Nasuka nga ako nung nakita namin,” dagdag ni Romeo Mayo, isa rin sa mga kawani na kasama sa operasyon.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad kung anong mga kaso ang isasampa laban sa 2 lalaki.