Ilang lugar sa Kamaynilaan, Bulacan, Cavite walang tubig simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2018 05:59 PM | Updated as of Aug 14 2018 09:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-abiso ang Maynilad Water Services Inc. na mawawalan ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan, at Cavite simula Martes.

Hindi matiyak ng Maynilad kung kailan babalik ang tubig sa mga apektadong lugar.

Ayon sa Maynilad, dahil ito sa "increased turbidity" o paglabo ng tubig sa Ipo Dam bunsod ng mga pag-ulang dala ng habagat.

"Kailangang magbawas ng water production sa aming treatment plants para masigurong maayos pa rin ang quality ng tubig na inyong matatanggap," sabi ng Maynilad.

 

Narito ang mga apektadong lugar:

CALOOCAN CITY
- Mga bahagi ng Barangay 80 hanggang 85, 132 hanggang 136, 138 hanggang 155
- Mga bahagi ng Barangay 2, 3, 21 hanggang 32, 57, 58, 61, 62, 64, 65, 66, 69, 70, 73, 74, 75, 86 hanggang 93, 96 hanggang 116, 121 hanggang 126
- Mga bahagi ng Barangay 156 - 164 at Baesa
- Barangay 167 hanggang 178, at Kaligayahan
- Barangay 169, 166 (Caybiga), 165 (Bagbaguin), Nagkaisang Nayon, at Llano

LAS PIÑAS CITY
- Barangay Almanza Uno, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pilar, Pulanglupa Dos, Talon Uno, Talon Dos, Talon Tres, Talon Kuatro at Talon Singko
- Mga bahagi ng Barangay BF International/CAA
- Mga bahagi ng Barangay CAA, Manuyo Uno, Manuyo Dos, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pulanglupa Uno, Pulanglupa Dos, at Zapote

MAKATI CITY
- Mga bahagi ng Barangay Magallanes

MALABON CITY
- Mga bahagi ng Barangay Acacia, Potrero, Tugatog, Tinajeros, Panghulo, Maysilo, Santolan, Catmon, Tonsuya, Niugan, Concepcion, Muzon, Baritan, Tañong, San Agustin, at Ibaba

MANILA
- Mga bahagi ng Barangay 659, 660, 661, 663, 664, 666 hanggang 672, 674, 676, 696 hanggang 701, 703, 709, 713, 716, 717, 719, 726 hanggang 733, 745 hanggang 762, 960, 659-A, 660-A, 234 hanggang 237, 239, 241, 243, 244, 246, 260 hanggang 266, 326 hanggang 328, 331, 332, 333, 334, 353 hanggang 362

PARAÑAQUE CITY
- Mga bahagi ng Barangay Baclaran, BF Homes, Don Galo, La Huerta, Moonwalk, San Dionisio, San Isidro, Sto. Niño, Tambo at Vitalez

PASAY CITY
- Mga bahagi ng Barangay 15, 41 hanggang 75, 80 hanggang 143, San Isidro, San Jose
- Mga bahagi ng Barangay 27, 38, 39, 75, 76, 78, 145-
148, 152, 154, 158-161, 163, 165-167, 170-172,1 76-179, 183-184, 186, 188, 190-191, 193-194, 196, 199, San Isidro, San Jose, San Rafael, Sto. Niño, Tambo at Vitalez

QUEZON CITY
- Mga bahagi ng Barangay Pag-ibig Sa Nayon
- Mga bahagi ng Barangay 164, A Samson, Baesa, Bahay Toro, Balingasa, Balong Bato, Bungad, Damar, Damayan, Del Monte, Katipunan, Mariblo, Pag-ibig Sa Nayon, Paltok, Paraiso, San Antonio, Sangandaan, Sauyo, Talipapa, Tandang Sora, Unang Sigaw, at Veteran's Village
- Barangay 172, Greater Lagro, San Agustin, Pasong Putik, at Kaligayahan
- Mga bahagi ng Barangay Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Holy Spirit, Payatas, at Holy Spirit
- Barangay Nagkaisang Nayon, North Fairview, Capri, Nova Proper, San Agustin, Gulod, at Sta. Monica

VALENZUELA CITY
- Barangay Lawang Bato, Ugong, East Canumay, Mapulang Lupa, Paso De Blas, Maysan, Lingunan, Gen. T. De Leon, 165 (Bagbaguin), Canumay West, Parada, Karuhatan, Punturin, Balangkas, Polo-Poblacion, Pariancillovilla, Marulas, Malinta, Bignay, Mabolo, Tagalag, Isla, Pasolo, Veinte Reales, Malanday, Dalandanan, at Coloong 

BULACAN
- Barangay Catanghalan, at Bancal

BACOOR CITY, CAVITE
- Mga bahagi ng Barangay Molino II-III, Molino VII, Queens Row Central, Queens Row East, Queens Row West at San Nicolas III

IMUS CITY, CAVITE
- Barangay Anabu I-A hanggang Anabu I-F, Anabu II-A hanggang Anabu II-F, Bukandala I hanggang Bukandala V, Bayan Luma I hanggang Bayan Luma IX, Carsadang Bago I-II, Malagasang I-A hanggang Malagasang I-G, Malagasang II-A hanggang Malagasang II-E, Malagasang II-G, Poblacion I-A hanggang Poblacion I-C, Poblacion II-A, Poblacion III-A hanggang III-B, Poblacion IV-A hanggang Poblacion IV-D, Tanzang Luma I hanggang Tanzang Luma VI at Toclong I hanggang Toclong I-C

Una nang nagkaroon ng water interruption noong gabi ng Lunes dahil na rin sa paglabo ng tubig sa Ipo Dam.

MANILA WATER

Samantala, nag-anunsiyo rin ang Manila Water na mawawalan ng supply ng tubig ang halos 100,000 pamilya na kanilang sineserbisyuhan simula alas-7 ng gabi Huwebes hanggang alas-9 ng umaga Biyernes.

Dahil umano ito sa isasagawang pipelaying at interconnection activity.

May 33 barangay sa Mandaluyong City, San Juan City, Pasig City at Quezon City ang maapektuhan ng water interruption ng Manila Water.

"Mayroon po tayong around 20 to 25 na water tankers na mag-iikot dun sa mga 33 barangay na 'yun para magkaroon ng tubig," ani Jeric Sevilla, head ng Manila Water corporate communications.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.