Magkapatid patay, 2 sugatan sa pagwawala ng kapitbahay

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2017 12:33 PM

SAN PEDRO, Laguna - Patay ang isang magkapatid habang sugatan ang 2 pa nilang kaanak matapos silang pagsasaksakin ng nagwalang kapitbahay sa bayang ito, Linggo ng gabi.

Nag-iinuman ang mga biktima sa isang apartment sa Brgy. Landayan nang biglang pumasok ang suspek na si Alfred Agunyon Calomot, 38, at walang sabi-sabing inatake sila.

Nasawi mula sa mga tama sa dibdib sina Rowel Arcega, 30, at kapatid na si Romel, 27.

Sugatan naman ang isa pa nilang kapatid na si Ronaldo Arcega, 38, gayundin si Benjamin Lacaña, 47.

Naaresto naman ang suspek ng mga rumespondeng barangay tanod at mga pulis. -- Ulat ni Ronilo Dagos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.