Higit 50 huli sa 'Oplan Galugad' sa Sta. Ana, Maynila

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2017 10:09 AM

MAYNILA - Higit 50 taong lumalabag umano sa ordinansa ng lungsod ang nahuli ng pulisya sa ikinasang "Oplan Galugad" sa Sta. Ana kagabi.

Ayon sa pulisya, karamihan sa mga nahuli ay mga nag-iinuman at nagsusugal sa kalsada. Halos mapuno ang Sta. Ana police station sa dami ng nahuli.

Kabilang sa mga nahuli ang magtiyong Joey at Joselito Baquiran. Katwiran nila, nag-a-advanced birthday celebration lang sila para kay Joselito at patapos na rin sila pagdating ng mga sumita.

Sakaling mapatunayang hindi ito ang unang beses na nahuli sila sa "Oplan Galugad," makukulong na ang mga ito. Ang mga first time offenders naman ay palalayain.