11 timbog sa buy-bust sa El Nido

Hazel Salas, ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2017 08:25 PM

PALAWAN - Timbog ang 11 indibidwal sa isinagawang buy-bust operation noong Biyernes sa Barangay Buena Suerte sa bayan ng El Nido, Palawan.
 
Si Eduardo Paredez, 42, ang pakay ng operasyong ngunit natiyempuhan rin sa lugar ang 10 iba pa na nahuling nasa akto ng paggamit ng ilegal na droga, ayon sa awtoridad. 

Dagdag pa ng awtoridad, mistulang drug den umano ang tahanan ni Eduardo.

Agad dinala sa Provincial Police Office ang mga inaresto para sumailalim sa drug test.

Sa inisyal na report ng El Nido Police, nakabili umano sila ng isang sachet ng hinihinalang shabu kay Eduardo, na may halagang P1,000.

Nakumpiska rin sa mga ito ang iba pang drug paraphernalia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.