2 sugatan, 100 bahay naapektuhan ng buhawi sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2016 10:12 PM

Kasalukuyang nasa ospital ang isang residente ng Sampaloc at isa pang taga-Baseco matapos ang pananalasa ng buhawi sa Maynila.

Bukod pa rito, 100 na kabahayan din ang naapektuhan ng buhawi, ayon kay Johnny Yu, chief ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang MDRRMO sa mga kapitan ng barangay na dinaanan ng buhawi at iba pang ahensya upang maibigay ang karagdagang tulong sa mga residenteng naapektuhan.

Base sa pagtataya ng MDRRMO, ang buhawi ay nagsimula sa Sampaloc at dumaan sa Quiapo at Baseco.

(PANOORIN: Buhawi, tumama sa Maynila)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.