PatrolPH

Magkasintahan hinihinalang nalunod sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2022 02:15 PM | Updated as of Aug 13 2022 02:42 PM

Natagpuang walang buhay ang isang lalaki at isang babae alas-3 ng hapon nitong Biyernes sa Bito River, Sitio Sangat, Brgy. Odiong, bayan ng Javier, Leyte.

Ayon sa pulisya, ang lalaki ay 22-anyos na residente ng Brgy. Cancayang, habang 20-anyos ang babae na isang estudyante at residente ng Brgy. Canmarating, bayan ng Abuyog, Leyte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad maaga pa lang nitong Biyernes ay nakitang naliligo ang magkasintahan sa ilog.

Pagdating ng hapon, nakita na lang ang mga biktimang wala nang buhay na palutang-lutang na sa ilog.

Hinihinalang nalunod ang mga biktima.

Dinala pa sa Javier Rural Health Unit ang dalawa pero idineklara ito ng Municipal Health Officer na patay na.

Walang nakitang mga sugat sa katawan ng magkasintahan. — Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.