PatrolPH

Ilang residente pinapalikas dahil sa baha sa Mandaue City

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2022 08:49 PM

Nakaranas muli ng pagbaha ang Metro Cebu dahil sa pag-ulan nitong hapon ng Sabado. 

Sa mga kuhang video at larawan ni Charlie Palmares, pinapalikas ang ilang residente dahil hanggang baywang na ang tubig sa bahagi ng Barangay Paknaan, Mandaue City.

Ayon kay Mandaue City DRRM Operations Head Felix Suico, umapaw ang tubig sa Butuanon River.

Humupa rin ang baha makalipas ang dalawang oras matapos ang pag-ulan kaya bumalik agad sa kani-kanilang bahay ang ilang pinalikas na residente.

Binaha rin ang ilang daan sa Mandaue City at Cebu Ciy kaya nagkaroon ng traffic.

-- Ulat ni RC Dalaguit De Vela

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.