PatrolPH

Higit P700,000 nalimas ng mga kawatan sa delivery hub sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2022 01:41 PM

Balasan PNP
Balasan PNP

Umabot sa higit P700,000 ang natangay ng mga kawatan matapos na pasukin ng mga ito ang hub ng isang delivery express sa bayan ng Balasan, Iloilo, Biyernes ng madaling araw. 

Sa imbestigasyon ng Balasan PNP, nakita ng isang kawani ng express delivery na bukas na ang roll-up sa likod na bahagi ng kanilang warehouse at nang tingnan sa loob ay nakitang bukas na ang vault na nilalagyan nila ng pera.

Kaagad na nagreport sa mga pulis ang kawani sa nangyaring insidente.

Ayon sa Balasan PNP, posibleng inside job ang nangyaring pagnanakaw dahil walang nakitang pinuwersa na pinasok ang warehouse at alam ng mga kawatan ang password ng vault.

Bukod sa pera ay kinuha rin ng mga kawatan ang linya ng CCTV camera sa warehouse.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Balasan PNP at pagtukoy sa mga kawatan. — Ulat ni Rolen Escaniel 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.