PatrolPH

Pantawid ng Pag-Ibig: Food packs hatid sa barangay sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2021 09:23 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Hindi pa man nakakabawi mula sa natigil na hanapbuhay nang mag-umpisa ang pandemya ay panibagong dagok na naman para sa mga taga-Barangay Talon Tres sa Las Pinas ang muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine. 

Bilang single mom, hindi madali para sa 44 anyos na si Rosana Gubinao ang buhaying mag-isa ang kaniyang tatlong anak. 

Pero pinagsisikapan niya ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng labada at plantsahin. 

Pero sa panibagong lockdown, halos wala nang kinikita si Gubinao. 

"Wala nang mapasukan eh.. iyong iba hindi na nagpapalaba, o plantsa. Nag-iisip ako kung ano mangyayari.. kung kakayanin pa ba?" ani Gubinao. 

Ang mister ni Emelyn Mercado, natigil nanaman ang trabaho bilang stockman sa isang kompanya dahil sa ECQ. 

"Sobrang hirap po lalo na mister ko lang ang nagtatrabaho," ani Mercado. 

Kabilang ang pamilya nina Gubinao at Mercado sa mga nangangailangan ng pag-alalay sa kanilang araw-raw na pangangailangan. 

Ambag ng ABS-CBN Foundation ang mga bigas at de-lata na inihatid sa barangay. 

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.