'Pantawid ng Pag-ibig': 1,100 pamilya sa Victoria, Oriental Mindoro binigyan ng relief packs

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2020 08:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pagbebenta ng mga tanim na kamote at saging ang tanging ikinabubuhay ng mga katutubong Mangyan sa Barangay Concepcion sa Victoria, Oriental Mindoro.

Pero dahil ipinagbabawal muna ang pagpasok ng mga bisita o mamimili sa lugar, tinatiyaga ng mga katutubo ang paglalakad ng 2 oras para ibaba sa bayan ang kanilang mga produkto.

"Kung ano na lang 'yong sabihing presyo, iyon ang tatanggapin. Nababarat minsan," anang residenteng Joel Landuni.

Nagpapasalamat naman sila dahil sa kabila ng hirap na dinaranas, ang kanilang produkto ang nagtawid sa kanilang gutom.

Sa Barangay Bambanin naman, wala rin halos bumili sa mga gulay at prutas na itinitinda ng mga residente.

Halos buong buhay ang ginugol ng residenteng si Carmencita delos Santos sa pagtatanim at ngayon lang aniya niya naranasan ang pagtumal ng bentahan.

Sa ngayon, may ayuda mula sa lokal na pamahalaang natatanggap ang mga taga-Victoria habang puspusan ang ginagawang pag-ingat para manatiling COVID-free ang kanilang bayan.

"Talagang masunurin ang mga barangay official," ani Tannie Dimalitaw Jr., disaster officer sa Victoria.

Kasama ang mga taga-Bantay Kalikasan, narating ng Pantawid ng Pag-ibig ang mga barangay ng Concepcion, Bambanin, at Ordavilla dala ang relief packs para sa 1,100 pamilya.

"Ito ay malaking tulong sa ating mga katutubo," ani Fernando Alzaga, kapitan ng Barangay Concepcion.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.