Cargo vessel sumadsad sa karagatan ng Antique

Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2020 05:08 PM

Galing Vietnam at papuntang Davao City ang Vietnamese cargo vessel nang sumadsad ito sa Antique. Larawan hango sa video mula sa Facebook page ng Philippine Coast Guard

Rumesponde ang BRP Cape Engaño ng Philippine Coast Guard sa isang Vietnamese cargo vessel na sumadsad sa pagitan ng Nagubat at Liwagao Island, sakop ng bayan ng Caluya sa lalawigan ng Antique.

Ayon kay Antique Governor Rhodora Cadiao, nangyari ang insidente Miyerkoles ng umaga. 

May kargang mga bigas ang barko na nagmula sa Vietnam at papunta sana sa Davao City nang mangyari ang insidente. 

Sakay din nito ang 25 na crew. 

Sa impormasyong natanggap ng PCG, nakatulog ang nakabantay na opisyal nang mangyari ang insidente.

Inaalam pa ng PCG kung may butas o wala ang hull ng barko. 

Ayon naman kay Cadiao, wala namang nakitang oil spill sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.