2 bahay sa Cagayan de Oro, naabo sa sunog

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2020 12:13 AM | Updated as of Aug 13 2020 12:40 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mula kay Beth Jones Edullantes


CAGAYAN DE ORO - Nasunog ang nasa dalawang bahay sa Barangay 22 sa Cagayan de Oro Miyerkoles ng gabi.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, alas 9:02 ng gabi sila nakatanggap ng fire alarm sa mga naturang bahay sa Corrales Extension-Gaabucayan St. 

Nadeklara na under control na ang sunog alas 9:46 ng gabi.

Sabi ni SFO3 Robert Tacastacas, station commander ng BFP Macabalan Station, nagsimula ang apoy sa bahay ng pamilyang Ayagon. Nadamay sa sunog ang katabing bahay ng pamilyang Lim.

Patuloy pa na inaalam kung ano ang sanhi ng apoy. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.