PatrolPH

Warehouse ng telecoms firm sa CDO, nasunog

Maria Cecilia Butardo, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2019 10:43 AM

Warehouse ng telecoms firm sa CDO, nasunog 1
Maitim na usok pa rin ang lumalabas mula sa warehouse ng telecommunications company sa Cagayan de Oro City matapos na magdeklara ang mga bumbero ng fire under control. Larawan mula kay Jayberth Pairat 

CAGAYAN DE ORO CITY – Sumiklab ang apoy sa warehouse ng isang telecommunications company sa Max Suniel Street sa Barangay Carmen, Martes ng madaling araw.

Posibleng ang tuluy-tuloy na heat combustion o electrical short circuit ang naging sanhi ng sunog, ayon kay City Fire Marshal, Superintendent Allan Cabot

Pasado alas-4 ng madaling araw sumiklab ang apoy. Alas-7:40 na ng umaga nang magdekla ng fire under control ang mga bumbero.

Tinatayang nasa P5 milyon ang halaga ng natupok na ari-arian na naglalaman umano ng supply na fiber optic wires at mga baterya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.