PatrolPH

Dolphin, nasagip sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2019 07:28 PM

Dolphin, nasagip sa Negros Oriental 1
Pinakawalan sa mas malalim na bahagi ng dagat ang dolphin na nasagip ng mga residente sa tabing dagat sa Barangay Malabugas sa Negros Oriental. Larawan mula sa City of Bayawan


Nasagip ng mga residente ang isang juvenile spinner dolphin sa Bayawan City, Negros Oriental, Lunes ng hapon.

Nakita ng isang residente ang dolphin sa tabing dagat sa Sitio Pasil, Barangay Malabugas, alas-5 ng hapon.

Agad naman humingi ng tulong ang mga residente sa rescue group at sa Aquaculture Section ng Bayawan City.
 
Wala namang nakitang sugat ang dolphin. Ayon sa lokal na pamahalaan, ilang beses rin nilang pinakawalan ang dolphin, pero paulit-ulit itong bumabalik sa dalampasigan.

Minabuti ng rescue team na pakawalan ang dolphin sa mas malalim na bahagi ng baybayin. 

Nagpapasalamat naman ang lokal na pamunuan ng Bayawan sa mga residente sa kanilang agarang pagbigay-alam sa awtoridad sa nakitang dolphin.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.