6 na barangay sa Compostela Valley, lubog sa baha

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2019 04:34 PM

Binaha ang anim na barangay sa bayan ng Pantukan sa Compostela Valley kung saan tinatayang 675 na mga pamilya ang naapektuhan. Paul Palacio, ABS-CBN News

Umabot sa 675 na pamilya mula sa 6 na barangay sa bayan ng Pantukan sa Compostela Valley ang apektado ng pagbaha, ayon sa mga awtoridad.

May 17 bahay ang totally damaged, sabi ni Kent Simeon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Kabilang sa mga binahang barangay ay ang Kingking, Matiao, Bongbong, Fuentes, Tambongon at Napnapan na umabot hanggang 4 na talampakan ang taas ng tubig.

Dagdag ni Simeon, wala silang natatangap na warning mula sa PAGASA. Pero Lunes pa lang ay panakanaka na ang pagbuhos ng ulan sa bayan.

Ayon sa Office of the Civil Defense-XI, localized thunderstorms ang dahilan ng pagbaha sa bayan ng Pantukan.

Pansamatala munang dinala sa municipal gym ang mga lumikas na pamilya na agad din binigyan ng pagkain.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.