PatrolPH

P2.4-B halaga ng shabu nasabat sa Pangasinan; Chinese tiklo

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2022 10:51 PM

MAYNILA—Nasa P2.4 bilyong halaga ng umano'y shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang Chinese sa isang buy-bust operation sa Pozorrubio, Pangasinan ngayong Biyernes.

Ayon sa PDEA, nangyari ang naturang operasyon sa Turquoise St. Sunshine Village sa Pozorrubio nang alas 11:30 ng umaga, kung saan naaresto ang Chinese na kinilala sa alyas "James Dagale Galopo."

Nasa 360 kilo ng umano'y shabu na nasa loob ng mga pakete na kunwaring Chinese tea ang nadiskubre ng mga tauhan ng PDEA, AFP, Bureau of Customs at PNP.

Bukod sa Chinese, nahuli din ang tatlong niyang kasamang mga Pilipino, ayon sa PDEA.

Nakumpiska din ang ilang cellphone, IDs, at mga dokumento.

Nagsagawa umano ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa Brgy. Poro sa San Fernando, La Union dakong alas 12:45 ng hapon kung saan naaresto ang dalawang suspek.

Nasa 40 kilo naman ng shabu ang nasabat mula sa mga suspek.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuli.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.