PatrolPH

Mga ala-'spiderman' na akyat-bahay, nahuli sa akto

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2022 05:15 AM

Kuha ng Lubao MPS
Kuha ng Lubao MPS

Huli sa akto ng mga nagpapatrolyang pulis ang dalawang lalaki habang nasa bubong ng isang tindahan sa bayan ng Lubao, Pampanga.

Ayon sa pulisya nitong Huwebes, patakas na ang mga suspek matapos nila butasan ang yero at pasukin ang naturang tindahan sa Brgy. San Antonio gamit ang lubid.

Nag-ala “spiderman” sa pagbaba at pag-akyat ng bubungan umano ang mga nagmamadali na mga kawatan, pero hindi na nila nakuhang mabuksan ang vault dahil natunugan ang pagpapatrolya ng mga pulis.

Tanging mga tinapay, karne, cup noodles at ilang piraso lang ng delata ang nakuha nila.

Ang dalawa ay may kaugnayan umano sa iba't ibang insidente ng akyat-bahay at panloloob sa mga convenience store sa lalawigan.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nahuling suspek.—Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.