PatrolPH

Lalaki patay, mga bahay nasira sa landslide sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2022 09:27 PM

Kuha ni Myrna Malainday
Kuha ni Myrna Malainday

Patay ang isang lalaki matapos matabunan ng lupa ang bahay niya at iba pang mga tirahan sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Liloy Linsagan. Sugatan ang asawa niya na si Evelyn Linsagan na ngayon ay nagpapagamot sa ospital sa bayan ng Kapalong.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Davao del Norte, may anim pang bahay ang nasira sa sa Upper Mesolong dahil sa landslide pero ang bahay ng mag-asawa ang matinding natabunan ng lupa.

Malakas na ulan ang dahilan ng biglang pagguho ng lupa sa lugar. Ito ang unang beses na nakaranas ng landslide ang barangay.

Nasa evacuation center na ngayon ang ilang residente na nasiraan ng bahay.—Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.