PatrolPH

Mahigit P3-M halaga ng 'ecstacy' galing Germany, nasabat sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2021 11:33 PM | Updated as of Aug 13 2021 08:07 AM

Watch more on iWantTFC

BAGUIO CITY - Narekober ang apat na supot ng hinihinalang ecstasy na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Barangay Pacdal, Baguio City Huwebes ng tanghali.

Una nang nasabat ang package sa Bureau of Customs pero para mahuli kung sino ang tatanggap nito, nagsagawa ng controlled delivery operation sa Baguio City kung saan dinala ang package sa address na nakalagay dito.

Huli sa operasyon ang babaeng tumanggap ng package, pero hindi sa kanya nakapangalan ito. Ayon sa kaniya, ipinasuyo lang sa kanya na tanggapin ang package na nakapangalan kay Joyce Ann Jores San Antonio.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), galing sa bansang Germany ang mga nasabat na droga at karaniwang ginagamit bilang party drugs.

"Magkakaroon kami ng intelligence assessment na bakit dito sa Baguio kung kailan pandemic, may mga party drugs na dumadating na ganito. Maari na taktika nila ito para ma-divert yung law enforcement sa National Capital Region at baka balak nilang gawing distribution hub ang Baguio City," ani Gil Castro, Regional Director ng PDEA-Cordillera.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang utak sa pagdala ng ilegal na droga sa lungsod.

- ulat nina Mae Cornes at Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.