Babae tiklo sa pagbebenta ng droga sa Pasig

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2021 07:28 AM | Updated as of Aug 12 2021 08:53 AM

Watch more on iWantTFC

Timbog sa drug bust ng Eastern Police District ang babaeng tulak umano ng droga sa Pasig City.

Isinumbong sa mga pulis si alyas Abss, 29, dahil sa talamak umano niyang pagbebenta ng ilegal na droga.

Nangyari ang transaksyon sa Karangalan Village, Barangay Manggahan kung saan siya nagbenta ng P500 ng hinihilang shabu.

Pero nakuhanan pa siya ng ilang pakete ng hinihinalang shabu na abot sa higit P40,000 ang halaga. 

Posible umanong may parokyano pa siyang pagbebentahan ng bitbit niyang droga na nasabat na ng mga pulis.

Nasa kustodiya ng Pasig City Police ang suspect at nahaharap sa kasong pagbebenta ng iligal na droga na walang piyansa.