MAYNILA - Obligado nang magsuot ng face shields sa trabaho ang mga empleyado at manggagawa simula Agosto 15, ayon sa Department of Labor and Employment.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat sagot ng mga employer ang pagbili ng face shields na gagamitin ng mga empleyado.
Maaaring maharap sa administrative liability ang mga kompanyang lalabag dito, dagdag niya.
“Maaaring penalty lang siguro o reminder,” ani Bello.
“One time lang naman bibili, hindi naman masyadong mabigat,” ani Bello.
Maaalalang inobliga ng gobyerno ang mga sasakay sa mga pampublikong sasakyan na magsuot ng face mask simula Agosto 15.
LIBRENG FACE MASKS IBINAHAGI SA RIZAL
Samantala, sinimulan na ng pamahalaan ang pamamahagi ng libreng face mask sa mga indigent ngayong Miyerkoles.
Sa paglunsad ng programa, ang mga unang natulungan ay iyong mga lungsod at bayan sa probinsiya ng Rizal.
Namahagi rin sila ng COVID-19 testing kits sa lugar.
Nasa 150,000 washable cloth face masks ang ibinigay sa probinsiya. Target ng gobyerno na mabigyan ang nasa 20 milyong Pilipino, ayon kay Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Ano.
Target ng pamahalaan na makapamahagi ng 30 milyong face mask sa buong bansa, lalo sa mahihirap, senior citizen, buntis, maysakit, at benepisyaryo ng social amelioration program. — Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, face mask, face shields, coronavirus, COVID-19, coronavirus Philippines update, COVID, coronavirus disease Philippines, COVID-19 Philippines update, workplace, labor, trabaho, hanapbuhay, workplace