DAVAO CITY — Timbog ang isang computer technician matapos napag-alamang namemeke siya ng mga travel authority at health certificate sa Davao City Lunes ng hapon.
Pinasok ng mga awtoridad ang computer shop ng 27-anyos na suspek sa ikinasang entrapment operation.
Pinagbentahan nito ang isang pulis na nagpanggap na magpapagawa ng pekeng dokumento kapalit ang P500.
Kabilang sa mga kinumpiska ng pulisya ang kompyuter, laminator, at scanner na magsisilbing ebidensya.
Naaalarma ang San Pedro Police sa ganitong modus lalo na’t hindi dapat basta basta nakakapag-isyu ng health certificate kung hindi pa dumadaan sa health screening.
Kabilang sa mga pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang mga naging kliyenta ng suspek.
May mga establisyimentong patuloy na minomonitor ngayon ng mga awtoridad matapos makatanggap ng mga reports na namemeke din umano ang mga ito ng mga parehong dokumento.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Davao, fake travel permit, fake health certificate, Regional news, Tagalog news