Sevilla Bridge bukas na sa mga motorista

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 07:39 AM

MAYNILA - Binuksan na ang Sevilla Bridge nitong Lunes matapos isara noong weekend para sa Skyway project.

Ngunit asahan ang trapiko dahil tig-isang lane ng eastbound at westbound lang ang bukas dahil ginagawa ang tulay na nagdudugtong sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong at P. Sanchez Street sa Sta Mesa, Maynila.

Samantala, sarado pa rin ang Tomas Claudio Bridge sa may Pandacan. 

Konektado ang tulay na ito sa Zamora Bridge na nagdudugtong sa Sta. Mesa at Pandacan. 

Makadadaan sa Zamora Bridge mula Sta. Mesa pero hindi makakadiretso ng Quirino Avenue dahil sarado ang Tomas Claudio Bridge.

Mula Quirino Avenue, hindi rin makakaakyat ng Claudio Bridge papuntang Sta. Mesa, kailangang dumaan ang motorista sa mga side street para makalusot sa Zamora Bridge. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.