TINGNAN: Kabaong, inilagay sa Styrofoam para lumutang sa baha

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2018 02:34 AM | Updated as of Aug 13 2018 03:13 AM

Contributed photo

Contributed photo

MAYNILA (UPDATED) - Inilagay sa Styrofoam ang isang kabaong para lumutang dahil sa baha dulot ng malakas na pag-ulan sa isang barangay sa Quezon City nitong Sabado.

Napilitan ang pamilya ng namatayan na ilagay sa Styrofoam ang kabaong para hindi ito lumubog sa baha.

Nakaburol ang mga labi ng babae sa covered court ng barangay.

Humupa naman ang baha sa lugar Sabado ng gabi.

(Editor's note: Hindi pinangalanan ng ABS-CBN News ang barangay para sa privacy ng pamilya ng namatayan.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.