San Roque dam, unti-unting magpapakawala ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2018 12:12 AM

MAYNILA - Unti-unting magpapakawala ng tubig sa San Roque dam sa Pangasinan simula alas-2 ng umaga sa Linggo, ayon sa National Power Corporation.

Ang pagpapakawala ng tubig ay "hindi magdudulot ng biglaang paglaki ng tubig sa Agno river o magiging sanhi ng posibleng flash floods," ayon sa NPC.

Maglalabas ang kumpanya ng warning sa mga karatig-bayan na malapit sa Agno River tulad ng San Manuel, San Nicolas, Asingan, Tayug, at Sta. Maria.

"Pinaaalalahanan pa rin ang mga residente na naninirahan malapit sa ilog o sa mga mabababang lugar na maging alerto at handa dahil sa patuloy na pag-ulan," ayon sa NPC.