PatrolPH

1 patay sa sunog sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2021 05:13 PM

Patay ang isang 79-anyos na lalaki matapos maipit sa nasusunog niyang bahay sa Barangay 38-D sa Davao City, Sabado ng umaga.

Ayon kay Fire Officer 3 Aries Pizarras ng Bureau of Fire Protection ng Davao City, nagsimula ang sunog sa kusina ng bahay ng biktima na si Rodolfo Nalzaro na matatagpuan sa Purok 4, Rizal Extension.

Apat na bahay din ang natupok ng apoy.

Pasado alas-9 na ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang sanhi ng sunog.

- Ulat ni Francis Magbanua

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.