2 inmate na nasawi sa pagsabog sa kulungan ay Chinese national

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2016 11:18 AM | Updated as of Aug 12 2016 03:36 PM

A victim is taken out on a stretcher at the Paranaque city jail on Friday after an explosion killed ten inmates. A riot broke out earlier when inmates wielding knives and other weapons demanded an audience with the warden. Vincent Go, ABS-CBN News

MANILA - Chinese national na may kaso tungkol sa illegal drugs ang dalawa sa 10 bilanggo na nasawi sa pagsabog ng granada sa Paranaque Jail kagabi.

Sa panayam ng Radyo Patrol, sinabi ni Paranaque police chief Senior Superintendent Jose Carumba, nilipat sa custody ng Bureau of Jail Management and Penology ang 2 Chinese national noong Nobyembre 2015.

Ang sampung bilanggo na namatay ay sina:

  1. Jacky Huang
  2. Warren Manampen
  3. Ronald Domdom
  4. Danilo Pineda
  5. Joseph Villasor
  6. Oliver Sarreal
  7. Jerami Flores
  8. Rodel Domdom
  9. Jonathan Ilas
  10. Yunghan Cai

Si Huang at Cai ang dalawang bilanggo na Chinese.

Sinabi rin ni Carumba na sangkot sa kaso tungkol sa illegal drugs ang 6 na iba pang bilanggo habang robbery with homicide ang isa at robbery lang ang isa pa.

Nasa People's Funeral Services sa Las Pinas ang 10 nasawi na nakatakdang i-autopsy ngayong araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Carumba na pag-aari ng mga bilanggo ang sumabog na granada at ang na-rekober nilang Uzi submachine gun.

Ang teorya nila ngayon - may tangkang pagtakas ang mga bilanggo dahil nakipagdayalogo ang 10 bilanggo sa warden na may dalang armas.

Ani Carumba, nagkaroon ng barilan nang matunugan ng warden na may armas ang kanyang mga kaharap.

Balak ng Paranaque police na makipag-ugnayan sa BJMP upang magsagawa ng pag-galugad sa nasabing bilangguan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.