PatrolPH

Volcanic smog mula Taal Volcano umabot na sa Tagaytay

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2022 03:56 PM | Updated as of Aug 11 2022 06:39 PM

Taal Volcano mula sa Tagaytay-Talisay Road noong Hulyo 6, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Taal Volcano mula sa Tagaytay-Talisay Road noong Hulyo 6, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

CAVITE (UPDATE) — Umabot ngayong Huwebes sa Tagaytay City ang volcanic smog o vog na nagmumula sa sulfur dioxide na inilalabas ng Bulkang Taal.

Ayon kay Paolo Reniva, resident volcanologist ng Taal Volcano Observatory, naobserbahan na umabot na ang vog hanggang sa Tagaytay.

Nauna aniyang namuo ang vog noong Agosto 6 pero sa mga lugar lang sa Batangas.

Ayon kay Reniva, iba ang vog sa karaniwang fog sa Tagaytay dahil maamoy ang asupre na masakit sa ilong at mahapdi sa mata.

Watch more News on iWantTFC

Pinapayuhan ang publiko na gumamit ng N95 mask kung lalabas ng bahay.

Ayon sa Office of Civil Defense sa Calabarzon, nagdulot na ang vog ng pinsala sa mga taniman sa mga barangay ng Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo.

Nagsasagawa na rin ng assessment ang Municipal Disaster Risk Reduction Council sa pinsala sa agrikultura sa Laurel, habang mino-monitor ng Municipal Health Office ang kalusugan ng mga residente at namamahagi ng N95 mask.
 

Watch more News on iWantTFC


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.