'Pantawid ng Pag-ibig': Tulong hatid sa mga pamilyang apektado ng pagguho ng lupa sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2020 08:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakunan ng cellphone video si Romeo Añes bago siya anurin ng malakas na agos ng tubig matapos bumigay ang kaniyang bahay sa creek sa Barangay Kamuning.

Mapapanood sa video na nakakapit lang si Añes, 74, sa sanga ng punong nabuwal hanggang sa tuluyan na siyang inanod at natagpuang walang buhay.

"May narinig ako na bumabagsak... kaya lumabas ako, na-videohan ko," sabi ng residenteng si Ronnie Oriola.

Kasamang natangay ang bahay ni Eduardo Marcos, kaibigan ni Añes.

"Noong una, hindi ako naniniwala... kung nandiyan ako, malamang isa na rin ako," ani Marcos.

Para sa mga gaya nina Marcos at Albert Lazarra, na nawalan din ng tahanan, matagal pa bago sila makabangon mula sa trahedya.

"Hindi ko naman akalain na mangyayari 'yong ganyan, sa tinagal ng panahon, 'di naman bumigay 'yong mga bahay diyan," ani Lazarra.

Pansamantalang nakatira sina Lazarra at ang nasa higit 40 iba pang pamilyang lumikas sa mga modular tent na nasa covered court.

"Kung hanggang kailan, 'di ko pa masasagot kasi for now tayo ay naghihintay pa ng relokasyon," ani Armida Castell, chairperson ng Barangay Kamuning.

Naghatid ang Pantawid ng Pag-ibig ng food packs, mga damit, kumot, at water containers sa mga naapektuhan sa Barangay Kamuning.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.