MAYNILA - Pumalo na sa mahigit P306 milyon ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58.
Walang nakakuha ng winning combination na 06-02-49-40-33-23 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes.
Nasa P306,851,359.20 ang kabuuang jackpot para sa Ultra Lotto.
Wala ring nakakuha ng winning combination na 33-09-12-34-10-08 para sa Super Lotto 6/49 na may jackpot na P38,857,873.
Wala ring pinalad na makakuha ng winnning combination na 10-34-16-12-24-20 sa Lotto 6/42 na may jackpot na P36,178,449.60.
PCSO, Philippine Charity Sweepstakes Office, Ultra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49, Lotto 6/42