Sevilla Bridge, pansamantalang isinara

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2019 08:22 AM

MAYNILA - Pansamantalang sarado ang Sevilla Bridge na dumudugtong sa Maynila at Mandaluyong.

Inaasahang bubuksan din ang tulay alas-10 ng umaga, Linggo.

Babala ng MMDA, inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Isinara ito Sabado ng gabi para sa mga crane na idadaan sa lugar para sa proyekto ng Skyway.

Ang tulay ay konektado sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong at P. Sanchez Street sa Sta. Mesa, Maynila. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.