Napatay ang isang rape suspect matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa police station sa bayan ng Parang, Maguindanao noong umaga ng Biyernes.
Habang kinukuhanan ng mugshot, biglang nang-agaw ng baril ang suspek na si alyas "Dong" at nakipagbarilan sa mga pulis, ayon kay Lt. Col. Ibrahim Jambiran, hepe ng Parang police.
Tinamaan umano ng bala si "Dong" at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Nahuli noong Huwebes si "Dong" matapos ireklamo ng panggagahasa sa 12 anyos na ampon na anak, ayon sa pulisya.
Agad namang kinuha ng pamilya ng suspek ang kaniyang bangkay at inilibing alinsunod sa relihiyong Islam.
Dati nang may reklamong panggagahasa laban kay "Dong" mula sa 2 biktima, ayon sa pulisya.
-- Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, engkuwentro, barilan, Parang, Maguindanao, rehiyon, rape