PatrolPH

#WalangPasok: Agosto 12, Linggo

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 08:44 PM | Updated as of Aug 12 2018 06:06 AM

(UPDATE) Kanselado ang mga aktibidad sa paaralan tulad ng National Service Training Program (NSTP) sa mga sumusunod na lugar sa Linggo, Agosto 12, 2018 dahil sa mga pagbaha dulot ng ulan na dala ng habagat.

LAHAT NG ANTAS:

  • Malabon
  • Manila (post-graduate)
  • Marikina
  • Valenzuela 

ILANG PAARALAN:

  • Polytechnic University of the Philippines - mga klase sa College of Law, Open University, NSTP, Graduate School, CoED Graduate School
  • De La Salle University - Manila campus

CIVIL SERVICE EXAM

Kanselado na rin ang Civil Service Exams sa National Capital Region na nakatakda sa Linggo.

Para sa ibang rehiyon, antabayanan ang anunsiyo sa mga susunod na oras, ayon kay Ma. Luisa Salonga-Agamata, Director IV ng Civil Service Commission Public Assistance and Information Office.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

Bumisita rin sa ABS-CBN Weather Center para sa updates tungkol sa lagay ng panahon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.