Ika-3 alarma: Higit 2,500 katao lumikas dahil sa pagtaas ng Marikina River

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 06:12 PM | Updated as of Aug 12 2018 03:44 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagsilikas na ang mga residenteng naninirahan malapit sa Marikina river dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig dito.

Sa huling tala ng lokal na pamahalaan, 528 pamilya at 2,530 indibidwal na ang sapilitang lumikas. 

•Bulelak covered court
→ Pamilya: 171
→ Indibidwal: 971

•Malanday Elementary School
→ Pamilya: 191
→ Indibidwal: 824

• Sta. Elena Elementary School
→ Pamilya: 6
→ Indibidwal: 28

• Tanong High School
→ Pamilya: 2
→ Indibidwal: 7

• Nangka Elementary School
→ Pamilya: 103
→ Indibidwal: 447

• Concepcion Integrated School
→ Pamilya: 54
→ Indibidwal: 248

• H. Bautista
→ Pamilya: 1
→ Indibidwal: 5

Total
→ 528 pamilya 
→ 2,530 indibidwal

Sa ngayon, abot na sa 18 metro ang lebel ng tubig sa ilog kaya't itinaas na rin ang ito sa ikatlong alarma.

Ala-1 ng hapon kanina, umakyat sa 15.5 metero ang lebel ng tubig dito.

Pasado alas-2, itinaas ang ikalawang alarma matapos umabot sa higit 16 metero ang tubig sa ilog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.