Dahil sa 'Damaso' protest: Hatol kay Carlos Celdran, may basehan ba?

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 08:22 PM

Halo-halo ang pananaw ng marami tungkol sa desisyon ng Supreme Court (SC) na paigtingin ang naunang pasya ng mababang korte na hatulang "guilty" si Carlos Celdran sa kaniyang "kabastusan" sa Manila Cathedral noong 2010.

Nahaharap sa dalawa't kalahating buwan hanggang isang taong pagkakakulong si Celdran dahil sa paglabag niya sa Article 133 ng Revised Penal Code na nagbabawal sa indibidwal na gumawa ng anumang makapananakit sa damdamin ng isang "faithful."

Inantala kasi ni Celdran ang isang misa at naglabas ng "Damaso" sa Manila Cathedral upang tuligsain ang pagkontra ng simbahan sa noo'y Reproductive Health bill. 

Sa sitwasyong ito, karapat-dapat nga bang ikulong si Celdran? 

Ayon sa isang abogado, sa simbahan raw kasi isinagawa ito at natapat pa sa selebrasyon ng kapistahan ng isang santo, kaya may batayan para parusahan si Celdran. 

“Nandoon siya sa loob ng place of devotion and at the same time there was a celebration of a ceremony of a religious activity,” ani Atty. Claire Castro sa “Usapang de Campanilla” nitong Biyernes. 

 

Sa panayam kay Celdran ng ANC, sinabi niyang "worth it" kung sakali mang makulong siya sa ginawang "Damaso" protest pero balak pa rin daw niyang iapela ang desisyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.