PatrolPH

Civil Service Exam sa Agosto 12 sinuspinde sa NCR

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 09:31 PM

Ipagpapaliban muna ang pagsasagawa ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) o tinatawag ding Civil Service Exam sa National Capital Region (NCR) na nakatakda sana sa Linggo, Agosto 12.

Sa panayam ng DZMM sa opisyal ng Civil Service Commission (CSC), sinabi nitong NCR lamang ang hindi tutuloy sa naturang pagsusulit.

"Nais po naming i-announce na ang career service examination sa NCR ay suspendido po. Iyan pong examination na 'yan ay gaganapin sana bukas (Linggo)," ani Ma. Luisa Salonga-Agamata, Director IV ng CSC Public Assistance and Information Office.

Pero paglilinaw ni Agamata, sa NCR pa lang sinuspinde. 

Pinayuhan niya ang mga kukuha ng exam sa ibang lalawigan na mag-antabay ng anunsiyo sa mga susunod na oras. 

"Except for NCR, tuloy po ang examinasyon sa ibang rehiyon subalit kami po ay patuloy na nag-iintay ng instructions ng chairman ng CSC," ani Agamata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.